Kahit kailan hindi mo makukuhang intindihin ang ugali ng isang babae.
- Sasabihing gusto niya ‘yan, maya-maya aayaw na.
- Ayaw niya daw ng ganun, maya-maya gusto niya.
- Tatahimik, biglang mangungulit.
- Mag-iingay, biglang mababadtrip.
- Hindi ka kakausapin, maya-maya, magsisisigaw siya.
- Mang-aasar tapos biglang mag-aaway.
- Pa-iba-iba ‘yan ng desisyon.
- Sobrang selosa.
- Siya na babae ang may kasalanan, ikaw ang papa-sorry.
- Mainitin ang ulo.
- Matampuhin, kahit ano na lang ikinatatampo!
- May pagka-pikon ‘yan.
- Laging nagsusungit.
- May pagka-demanding.
- May pagka-arte.
- Babawalan ka niya na parang nanay mo!
- Gusto gan’to! Gusto ganyan!
‘Yan ang babae! Kaya ‘yung mga lalaki napapa-“EWAN!” na lang. Kinakailangan lang naman namin ‘yung mga lalaking malawak ang kaisipan at tatangapin kami kahit na may ganitong pag-uugali kami. Ang swerte na ng isang babae kapag nagkaroon siya ng understanding na boyfriend. Kaya dapat ang isang lalaki, mahabaaaaaaaaaa ang kanyang pasensya. Gusto lang naman kasi namin ng sobrang lambing at todo-effort kapag sinumpong kami ng kasungitan namin eh. Dahil kahit ganyan ang isang babae, isa lang sinisigurado ko… Mahal ka niya, sobra pa sa inakala mo.
This.
(Source: misskatrinarose, via misskatrinarose)
Página 1 de 1